Previously Submitted Articles
Ang MyDBASE at ang Lokal na 'Open-Source Community'...
ANG WASTONG DIREKSYON NG PHILCOMSCI EDUCATION
I. ANG BATAYANG PRINSIPYO:
      Ang lahat ng bagay sa kalikasan ay nakabatay sa isang prinsipyo. Prinsipyo ng 'gravity', prinsipyo ng 'cause & effect', prinsipyo ng buhay at kamatayan, atbp., atbp. Kaya nga ba't minabuti kong simulan ang pagtalakay na ito sa paglalatag ng batayang prinsipyo ng edukasyon na nagpapa-inog sa aming gawain sa PHILCOMSCI at sa SibolSoft. Hinango ko ang prinsipyong ito kay G. Renato Constantino sa kanyang librong: "A PAST REVISITED". Ang kanyang wika:
    "Education is a vital weapon of a people striving for economic emancipation, political independence and cultural reinassance. And we are such a people... Philippine Education therefore must produce Filipinos who are aware of their countries problems, who knows the basic solution/s to these problem, and who care enough and have the courage enough to work and sacrifice for their countries salvation."
Ang kailangan natin ay isang edukasyong magpupundar ng mga Pilipinong gradweyt na may kamalayan at kamulatan sa mga suliraning, kinakaharap ng kanyang lipunan, may pagka-talos sa batayang solusyon hinggil sa mga problemang ito, at handang kumilos at magsakrispisyo kung kinakailangan para sa ikasasalba ng kanyang bayan.

II. ANG MGA UGAT NG SULIRANIN:
      Batay sa aking mabusising panana-
liksik at pag-aaral ng kasaysayan ay aking natalos na ang mga kasalukuyang sulira-
ning kinakaharap ng ating bayan ay naka-ugat ng napakalalim sa ating kasaysayan. Kailangan natin ng makabagong pananaw at panunumbalik sa ating nakaraan upang magkaroon tayo ng tanglaw sa madilim nating kasalukuyan. Halos lahat ng nagaganap sa kasalukuyan ay maaaring itugon at halungkatin sa nakaraan ang dahilan.
      Isang napakabisang pamamaraan ito upang tunay nating mapag-aralan kung ano ang nararapat na lunas sa ating mga suliranin. Halimbawa, ang suliranin ng ating bayan sa PANGUNGURAKOT. Isa itong napakalalang cancer na pumapatay sa himaymay ng ating lipunan, mula sa kataas-taasang pwesto hanggang sa pinakamaliit ay malabis na itong nagaganap sa kasalukuyan.. KAGATAN ng KAGATAN, KURAKUTAN ng KURAKUTAN.
      ATING UGATIN... ayon sa mga tala ng ating kasaysayan ay hindi natural na magnanakaw at kurakot ang ating mga ninuno. Sa katotohanan nga ay mga matapat sila at mapag-kawang-gawa, matulungin, mapag-pakumbaba at mapag-malasakit sa kabarangay (bayanihan). Ano ang naganap sa ating kasaysayan at ang mga matitinong ugaling ito ay nabasag at nalimot na ng kasalukuyang Pilipino???
1521 - Ang UNANG DAGOK sa ating
                 lipunan. Simula ng dumating
                    sa ating dalampasigan ang
                        mga Kastila, dala ang
                        kanilang mas sulong na
                        pamamaraan (politika,
                      relihiyon, administrasyon,
                      ekonomiya, sandata...) ay nasadlak na ang ating mga ninuno (ito ang unang ugat... tayo ang naging bunga) sa lipunang wala man lamang silang kapasidad na unawain. Naging sunud-sunuran sila dala ng takot, sa mga pamamaraan ng Kastila. Isa na dito ang sistemang 'encomienda' na pinag-ugatan ng pangungurakot at pagka-inggit ng KATUTUBONG NINUNO natin. Sa sistemang 'encomienda' ay ginamit ng Kastila ang mga pinuno (village chiefs) ng mga nasakop na baranggay upang mangalaga at mangasiwa sa mga bagong alipin. Syempre may kaakibat itong biyaya sa mga village chiefs na ito. Dito na nagsimula ang 'exploitation' o panglalamang... ang inggitan (dahil nakatingala na ang lahat sa kung sino ang mas malapit at mabibiyayaan ng Kastila)... at kung anu-ano pang masasamang ugali ng Pilipino.
      Nagsimulang mag-kapera at magka-impluwensya ang mga village chiefs na ito na nang lumaon ay tinawag na cabeza de barangay, principalia, kung saan sumulpot ang mga illustrado. Isangkot pa sa kanila ANG MGA INTSIK (Ang Ikalawang Dagok) na simula't sapol ay siyang anay sa          ating hikahos, primitibo,                        naghihingalong ekonomiya.                 Dahil sa mas sulong                                   nilang kasanayan                       sa pakikipag-kalakalan ay               napanghimasukan nila at napangibabawan ang primitibong ekonomiya ng katutubo sa pamamagitan ng pagdadala (importation) ng mga produkto nila mula sa Tsina, pagbebenta nito sa mamamayan, maging sa mga Kastila. Dahil na din sa maling pamama- raan ng mga Kastila ay hindi naging produktibo sa larangan ng pagbuo at pag-imbento ang mga katutubo... kalimitan nga ay alilang kanin lamang sila.
      Simula noon hanggang sa ngayon ay Intsik ang nagmamay-ari ng pinaka-maseselang industriya sa ating bansa. Sila ang nagdidirehe o nag-didikta ng mga bagay-bagay sa ating bayan.
      1901 - Ang MGA KANO: Ikatlong Dagok. Tuluyang nalusaw                   ang anumang katinuang                 natitira sa isipan ng mga                 katutubo (na kung                                tawagin na ngayon ay                             Pilipino) simula ng                             bilhin tayo ni Uncle Sam                      mula kay Padre Damaso. Dala ang sarili nilang konsepto ng demokrasya, sigarilyo, tsokolate, sardinas, kendi, sinimulan ng mga Amerikanong sakay ng USS Thomas ang pagbibigay ng "Edukasyon Para Sa Isang Matapat na Alipin" sa mga walang kamalay-malay na Pilipino. Bukas-palad silang tinanggap ng mga labi ng sistemang Kastila, ang mga Illustrado. Tuwang-tuwang tinanggap nila ang bagong papel bilang tagasunod ng Kanluraning Sistema (hook, line, sinker).
      Sa loob ng mahigit 30 taon ay sinanay ng bagong AMO ang kaniyang mga alipores sa MAKABAGONG pama- maraan ng pagsunod. Kalakip ng masasamang impluwensya (na kung tawagin ngayon ay kultura) ng Kastila, relihiyon, korupsyon, "vertical deve -lopment", sistema ng padrino, atbp., ay dinagdagan pa ng nakakabaliw at di pa naiintindihang ideya ng liberalismo, pederalismo, kapitalismo, at kung ano ano pang ismo ang nalabusaw ng isip ng Pilipino. Sa pamamagitan ng "PENSIO- NADO SYSTEM" na ipinatupad ng mga Amerikano ay nagkumahog ang mga iskolar daw ng bayan na mag-aral pa sa mga unibersidad ng Amerika upang pag-uwi nila sa Pilipinas (na taglay na ang tunay na kaisipang Kano) ay sila ang maging mga "MOOG", ng bagong sistema ng PANG-AALIPIN.
      Ito ang malinaw at maka- tuwirang batayang PRINSIPYO ng ating mga gawa-in sa PHILCOMSCI. Pagbabalik-tanaw sa ating kasaysayan, upang magkaroon tayo ng isang maliwanag na tanglaw at makita natin ng husto at wasto ang dahilan ng mga nagaganap sa ating kasalukuyang lipunan. Hindi natin kailangang manghiram ng mga ideya at konsepto sa mga banyaga upang malinawan, maunawaan, maintindihan ang masaklap na kinasadlakan ng ating bayan...
      Sa ganitong balangkas ay malinaw na ang tanging paraan lamang upang tayo ay umusad patungong kaunlaran ( horizontal development at hindi vertical ) ay sa pamamagitan ng TUNAY NA EDUKASYONG kalakip ang wastong pagtanaw sa ating kasaysayan. Edukasyong may malinaw na patutunguhan at pangangailangan sa ating komunidad. Hindi iyong peke o 'cosmetic' at inimbento lang ang sinasabing 'demand' daw. Ikinondisyon ng kasalukuyang sistema ng ating edukasyon
MAY KASUNOD PA... SUBAYBAYAN...