Text Box: C.A.T.S.
Text Box: H.E.A.P.
Text Box: G2.P.S.
Text Box: L.P.P.L.

f]

Text Box: FEATURED GRADUATES
Text Box: SUBMITTED ARTICLE/S

 

 

 

Text Box: Ang dilema ng Edukasyong Filipino, Pilipino o Flipino    -  January Article
Text Box: ANG EDSA, Revolution ba o Excursion?  -  February Article

Text Box: Current Article:
MAIGTING NA PANAWAGAN SA SEKTOR NG EDUKASYON. [Isang makabago at mapag-paunlad na Edukasyon]
pagpapatuloy. . . .
na mailapat at magamit ng mga tao sa komunidad partikular ang mga mangangalakal upang sa gayon ay maimulat sila sa wastong kapakinabangan ng kompyuterisasyon. Sa ganitong paraan ay nakapagbubukas kami ng mga proyektong sasagot sa ganitong pangangailangan, aktwal at nakabatay sa masusing pagsasaliksik at pag-aanalisa sa komunidad. Ang mga proyektong ito ang siyang nagbubukas ng trabaho para sa aming mga mag-aaral.
          Iba't-ibang proyekto, katulad ng L.P.P.L. (Libreng Programa Para sa Lahat), C.A.T.S. (Computer Aided Teaching Systems), G2.P.S. (Games and Graphics Development Systems, H.E.A.P. (High School, Elementary Assistance Program), ang amin nang naipundar na siyang aktwal naming itinuturo sa aming mag-aaral. Aktwal na kaalaman na aming hinalaw at iniakma sa pangangailangan ng komunidad upang magtugma ang teoretikal sa aktwal. Nito ngang huli ay naisakatuparan namin ang paglulunsad ng isa pang proyekto na magtataglay at magdadala sa mga nauna nang proyekto. Ito nga ang BULACAN WEB DIRECTORY na siya namin ngayong "spearhead project".
          MALINAW sa amin ang direksyong tinatahak ng aming edukasyon. At ito ang mungkahi namin sa mga kababayang nakalubog sa sektor ng edukasyon at akademiya. SIMULAN na nating mag-isip ng mga pamamaraan upang hindi huminto ang pagtangkilik at PAG-ASA ng mamamayan sa kapangyarihan ng EDUKASYON na umugit at lumikha ng kaunlaran para sa kanyang mamamayan.
          Bakit namin nasabi ang ganito? Hindi mo ba napapansin na ang mga sintomas ng pananamlay ng pagtangkilik ng kabataan sa edukasyon at pag-aaral ay nasa tabi-tabi na lang kung hindi man nandirito na. Unang punto, mag-aaral mula elementarya, High School at maging sa Kolehiyo ay halos maglulundag sa tuwa kapag may anunsyong WALANG PASOK. Senyales ito ng kasawaan na ng kabataan sa edukasyon dahil wala na silang makitang katinuan dito... (Ano ba kaya ito? Lokohan na lamang???!!!).
          Siyasatin mo, simula elementarya ay tuturuan ka ng halos parehong mga asignatura: English, History, Science, Math, etc, etc., na hanggang anim na taon mong paulit-ulit na kakabisaduhin para lamang maka-angat ka ng susunod na antas. Pagdating mo sa High School ay ganoon din... Ulit na naman sa kabisoteng buhay ng mag-aaral na Pinoy. Maging sa KOLEHIYO ay ganoon din. Ang sinasabi ng iba ay hindi daw ganoon, dahil may kani-kaniyang disiplina daw at pahirap-ng-pahirap bawat angat ng isang antas... GANOON na nga, para bagang pinagbabayad mo na ang mag-aaral, tapos ay pahihirapan mo pa na mag-kabisa para lamang pumasa sa eksamin, tapos ay pag nakagradweyt ay tutunganga lamang din. ANO NGA BA ANG SAY-SAY... MAGSASAWA talaga ang medyo may utak na makakaisip na parang LOKOHAN na lamang ang edukasyon sa PILIPINAS... WE ARE TURNING OUT TO BE THE BIGGEST DIPLOMA MILL IN THE WORLD CHURNING OUT SLAVES YEAR AFTER YEAR.
          MAging ang mga kilalang paaralan sa Metro Manila ay nagpapahiwatig na din ng senyales sa ganitong "scenario". Dati-rati kasi ay talagang dinarayo at dinadagsa ang mga kolehiyo at unibersidad sa Manila (U-Belt). Subalit ngayon ay sa dami ng mga nagsulputang maliliit na eskuwelahan sa probinsya ay pinagtitiyagaan na lamang ng mga magulang at maging ng estudyante ang mga eskuwelahan na ito. PAREHAS din lamang naman, wika nga ng isa kong kausap na magulang. Kahit sa Maynila ka mag-aral, kahit sa probinsya ay ala-tsamba lang din naman ang pag-kakuha at pagka-pasok sa matinong trabaho... MAGME-MENOS na lang sila sa probinsya. KAYA nga ba't ang mga Unibersidad at kolehiyo sa Maynila ay bumababa na mismo sa mga probinsya upang ma-promote at mag-advertise ng kanilang mga kurso... Ngayong taon ay apat na "malalaking" unibersidad sa Manila ang ating nakasabayan sa "H.S. Career Guidance" para sa mga High School graduates. Ano ba ito DESPERADONG hakbang upang kumalap ng mga mag-aaral???? 
          Ang daming mag-aaral sa Pilipinas, milyon-milyon. Ang dami din ng mga Propesor, Titser, Guro, Edukador at matatalinong tao. SUBALIT bakit hindi umusad ang ating lipunan tungo sa isang MAKAT'WIRANG KAUNLARAN...
          MATAIMTIM sana ninyong pag-isipan ang ibihabahagi kong artikulong ito, upang sa gayon ay sama-sama tayong umisip at lumikha ng mga kapamaraanan na sasagip sa ating sektor. Nakakalunos isipin na baka isang umaga ay magising na lamang tayo na ayaw ng mag-aral ng ating mga kabataan
          
 click here for previous page: