|
PHILCOMSCI SHINES for its Graduates and the Local Community. [The Philippine Computer Science Institute] |
| LOCAL TECHNOLOGY UPDATE | PHILCOMSCI ALUMNI REGISTRATION |
|
PHILCOMSCI EARLY ACHIEVERS using PHP, MySQL & APACHE gear-up in developing Open-Source Business Systems and Web Pages for 50 plus companies within the Local Community. Click here to read more... |
Sir Raymund Santos has embarked on a Profiling System for PHILCOMSCI Alumni Click here to open PHILCOMSCI's Home Page and register... |
|
            JOIN   SIBOLSOFT'S   DISCUSSION   GROUP   NOW             "Register and become a SibolSoft Tech. Member" |
|
      TALAKAYAN @ DALUBHASAAN sa LOKAL na TEKNOLOHIYA      "Community Based Software Technology Discussion Group" |
|
      Malugod namin kayong iniimbitahan na makilahok sa aming rebo- lusyonaryong gawain sa teknolohiya ng kompyuter, "Ang Open-source Open-structure software development. Itinuturing namin itong rebo- lusyonaryo sapagkat kung ibabatay natin sa Wikipedia ang kahulugan: "When used as an adjective, revolutionary refers to something that has a major, sudden impact on society or on some aspect of human en- deavor." Ang ating gawain sa SibolSOftware - Teknolohiyang Lokal ay tumutugma mismo sa depinisyon ng Wikipedia.       May malaki at mahalagang apekto ang mga proyekto ng SibolSoft. Sa kauna-unahang pagkakataon at mayroong isang grupo sa Pilipinas na nagtataguyod ng OPEN-Source na ay OPEN-Structure pa na mga 'software products'. Sa pamamagitan ng ganitong 'approach' sa 'software development' ay mithi nating baguhin ang itinuturing naming maling pamamaraan ng pag-gamit ng mga 'computer products' sa Pilipinas na iilang grupo lamang ang nakikinabang. Sa aming pananaw ay 'revolutionary' ang teknolohiya ng kompyuter dahil binago nito ang napakaraming aspeto ng pananaw at pamumuhay ng milyon-milyong tao sa buong mundo patungo sa kaayusan at kaunlaran. SUBALIT sa Pilipinas ay taliwas ang nangyayari... Dahil sa konsumeristang pag-iisip at pamamaraan ng Pilipino, isama pa ang kurakot na sistema hindi lamang ng gobyerno kundi ng buong lipunan na (culture of corruption) ay hindi maisakatuparan ang isang tunay na mapagpaunlad na teknolohiya na dapat sana ay maging balangkas ng isang industriya sa 'software' na magiging batayan sana ng kaunlaran.       Kaya nga ba't isang matayog na rebolusyonaryong hakbangin dito sa SibolSoftware na humabi at bumuo ng mga proyekto at 'software' na magtataguyod ng isang kultura ng 'bayanihan' sa pag-iisip, pagtalakay, pagbabalangkas at pagbubuo ng mga sistemang makatutulong sa lokal na komunidad. Malaking tulong ang magagawa ng kompyuter at internet upang palaganapin ang ganitong gawain. Tulong-tulong tayo para maibangon natin ang dangal ng Pilipino. Matalino ang Pilipino, mayaman ang ating bansa (ito ang turo sa atin sa mga paaralan), subalit bakit naikondisyon ang utak ng Pinoy na siya ay naghihirap at kailangang lumabas ng bansa at ipa-alipin ang sarili upang kumita lamang ng dolyar. PANAHON na upang gamitin natin ang ating talino, SAMA-SAMA nating tuklasin ang mga kagalingan natin sa pamamagitan ng makabuluhang pagtatalakayan. Ang direksyon ng ating atensyon (dahil tayo ay nakapaloob sa larangan ng kompyuter) ay ang 'software development'.       Ang kagyat nating gawain ay ang magpa-sulpot ng mga 'open-source business software", na libre lamang at tunay na magagamit ng mga mangangalakal, mga guro, mgs opisina ng gobyerno, eskuwelahan, at iba pa. Hindi kailangang maging napakamahal ng mga "software" na ito, maging ang mga makina ng kompyuter na magpapatakbo sa kanila, dahil ang lengguwahe na gagamitin ay libre at 'open-source' din. PHP, MySQL, Apace, JAVA, Perl at kung anu-ano pang mga libreng software din at mababa ang 'system requirements' upang hindi kailangang mag-palit ng napakamamahal na yunit ng kompyuter. Ang pamamaraan na ito ay upang iiwas ang mga tao sa komunidad sa kaisipang konsumerista... (isang 'forum topic' ito na maaari pa nating talakayin ng mas malalim at mas malawak...       Kaya halina kayo at lumahok sa malawakang talakayan sa Teknolohiyang Lokal... DITO LAMANG PO SA SIBOLSOFTWARE, sa PHILCOMSCI.... SIMULAN NA NATIN... NGAYON NA!!! |
|
      ANG MAHAHALAGANG BENEPISYO NG ISANG MIYEMBRO                      NG SIBOLSOFT TECHNOLOGY GROUP |
|
|
                 
SINO ANG MAAARING MAGING MIYEMBRO                           at PAPAANO MAGING MIYEMBRO |
|
|
                        
Ang MyDBASE Open-Source Software Project                         Kasalukuyan ng naka-up-load ang source code                          Member's Area  |   MyDBASE Evaluation Software |
|
      Ang panimulang proyekto na ating binuksan (on line)
sa internet ay tinatawag na MyDBASE. Kasalukuyang nasa Beta-Testing Stage (BTS)
pa ito. Gamit ang PHP at MySQL na parehong open-source softwares ay pumalaot kami
sa pagbuo ng isang database system na pwedeng gamitin ng kahit na sino, dahil sa ito
ay Open-structure, na ang ibig sabihin ay ang 'user' ang bahalang magdeklara ng mga
'specifications' na kaniyang kailangan.       Ang MyDBASE ay kasalukuyang 'on-line'. Pwede ninyo siyang gamitin at i-'evaluate'. Habang nasa 'evaluation stage' ito ay inililikas na namin ito sa 'off-line mode' na pwede nang i-'download' sa inyong kompyuter at i-instila at gamitin. Ito ang kauna-unahang proyekto sa ganitong klaseng ideya ng open-source na ay open-structure pa. Kaya nga ba't iniimbitahan namin kayong ito ay subukan at pag-aralan. Mag-rehistro lamang sa pamamagitan ng pag-klik sa Members Page ng ating sibolsoft menu at sundan ang 'procedures' ay maaari mo nang idownload at pag-aralan ang mga 'source codes'. Unahing i-download at i-install ang mga kinakailangang softwares: |
|
      
Ang SIBOL Bulletin Board -- SARILING KATHA NA NAMAN NATIN ITO!!! |
|
      Para sa inyong mga katanungan at mahahalagang mensahe na nais
ipa- rating sa mga kasamang miembro ng SibolSoft Technology Group ay maaari kayong mag-post sa ating SIBOLSoft BB (Bulletin Board). Sariling Katha na naman natin ito. Mag-register bilang miembro at pwede ka nang makipag- talakayan.       Ang SIBOL BB ay nasa loob ng Member's Page at kaiba ito sa TECH FORUM sa ating menu system |
Click here for
Click here for
Click here for|
|
|
       2008 |
|
|
|
      2008 Web Launch |
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
Click here to SIGN OUR
GUESTBOOK |